Tungkol sa UC Santa Cruz Ang University of California, Santa Cruz (UC Santa Cruz o UCSC) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na may bigay-lupa sa Santa Cruz, California, Estados Unidos. Isa ito sa sampung kampus sa sistema ng University of California. Itinatag ang UC Santa Cruz noong 1965 habang puspusan ang kilusan palayo sa konserbatibong dekada '50 at nakararanas ng transpormasyon ang Amerika. Niyakap at isinabuhay ng mga nagtatag na guro, mga administrador, at mga estudyante ang pagbabagong ito. Sila ay bukas at rebolusyonaryo sa kanilang pag-iisip—higit pa sa mga radikal lamang, nangahas silang mag-isip ng isang kapaligirang pamumuhay at pag-aaral na magpapaunlad ng isang komunidad na ang pagkahilig ay nagmula sa isang malalim na pakiramdam ng katarungang panlipunan.